Matagal-tagal ko rin itong pinag-isipan and I decided na tumigil na sa pagsusulat online. Sobrang tagal na nung naramdaman ko yung spark and excitement kapag nagsusulat ako ng story at kahit anong break at pilit sa pagsusulat hindi ko na talaga mabalik yung sayang 'yon. Sobrang hirap na akong magsulat and hindi ko alam kung ano bang problema. Maybe writing is not for me anymore? Haha. Sad to say but I will also bring my stories with me kaya ko siya in-unpublished. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa pagsusulat and if ever na mangyari yon, I will just write my stories privately and saka ko lang siya ipa-publish kapag bumalik na yung confidence ko sa pagsusulat.
Thank you sa mga sumuporta sa akin throughout my whole journey. This is the phase that I will never forget at hinding-hindi ko ikakahiyang sabihin na minsan akong sumaya dahil sa pagsusulat ng mga nobela.
This is girl_in_fiction, officially signing off.