girlfromhell_ME

sabi nila para mawala ang anxiety magsulat ka... pro paano kung ang pagsusulat ay isa na din sa mga dahilan na nagbibigay sayo ng anxiety and depression....

girlfromhell_ME

      nakakatakot kang mahalin.....
          
          nakakatakot kang mahalin,
          parang may malaking pader na nakaharang sa pagitan natin.
          
          nkakatakot pumasok sa mundo mo, 
          baka hindi ako makasabay sa ikot nito.
          hindi kita magawang isama sa mundo ko,
          baka hindi magustuhan ang meron ako.
          
          minsan gusto kong sabihin sa'yo na dito ka na lang sa tabi ko,
          mamahalin kita sa lahat ng oras na meron ako.
          pero natatakot ako na sabihin mong nasayang lang ang oras mo habang kasama mo ako.
          
          madalas gusto kong sabihing "hoy, mahal kita."
          pero ang tanong ng isip ko "mahal ka ba niya?"
          mahal ka ba talaga? 
          o
          mahalaga ka lang?
          may halaga ka ba talaga?
          
          sabi ng puso ko mahal na kita...
          pero tanong ng isip ko...
          mahal ka din ba niya?
          paano kung pinapaasa ka lang niya?
          paano kung pinapaniwala ka lang niya dahil mahal mo siya?
          paano kung ako lang talaga yung nagmamahal.
          
          nakakatakot kang mahalin...
          gusto kong humawak sa kamay mo ng mahigpit...
          pero natatakot akong bitawan mo din agad.
          
          nakakatakot magmahal ng tulad mo...
          baka hindi mo kayang magmahal ng tulad ko..... ;-(
          
          
          
           #epekto ng magdamag gising.... ;-(
          

helloimharry_19

@girlfromhell_ME I will never be afraid of loving someone like you..
Reply

girlfromhell_ME

                          "HOBBY"
          
          
          ang hirap kapag naging hobby mo na yung isang bagay,
          pero mas mahirap kapag naging hobby mo ung isang tao.
          masasanay ka na lagi siyang nandyan,
          masasanay kang siya lang yung kailangan mo.
          paggising mo sa umaga, siya yung unang taong maiisip mo,
          pagkain sa tanghali iisipin mo kung kumain na din ba siya?
          pagtulog mo sa gabi hihilingin mong maging laman siya ng panaginip mo.
          msasanay ka na yung buong maghapon umiikot lang sa kanya.
          hindi mo mapapansin na may iba pa palang tao sa paligid mo.
          kase yung oras mo tumatakbo lang para sa kanya.
          kase siya yung nagbibigay saya sa'yo.
          kase siya yung nagpapasaya sa'yo.
          at gusto mong manatili lang siya dyan sa tabi mo.
          nakakakilig, nakakatuwa, nakakatakot....
          tama, nakakatakot talaga.
          kase nasanay kang andyan lang siya.
          nakakatakot, bawat saya may kasamang takot.
          takot kung hanggang kailan ka masaya sa kanya...
          takot kung hanggang kailan din siya masaya sa'yo...
          takot kung dumating ung araw na wala ng saya...
          takot kung dumating yung araw na wala na siya...
          nakakatakot masanay sa kanya...
          nakakatakot kapag naging hobby mo siya...
          pero mas natatakot akong mawala siya na hindi man lang ako naging masaya habang nandyan pa siya.... ;-)
          
          p.s. this poem is for you...."V" 
          thanks for making me smile everyday.... ;-)

helloimharry_19

@girlfromhell_ME No... thank you for making me smile..
Reply

helloimharry_19

Hey gorg ..thanks for the follow ha.. ^__^

helloimharry_19

Baka naalala nya yung sinabi mo bes..na pag pinabayaan nya ako kukunin mo ako sa kanya..Hahaha
Reply

girlfromhell_ME

@helloimharry_19 hehe....naks nmn? bk8 nmn?
Reply