Magandang araw!
Alam kong baka wala nang nakakaalala sa’kin — ang tagal ko rin kasing nawala sa pagsusulat, parang ako na ‘yung nawawalang character sa sariling kwento. Pero heto na ulit ako, bumabalik sa mundo ng mga imahinasyon at salitang minsang naging tahanan ko.
Magsisimula na po akong i-revise ang ilan sa mga kwento ko, lalo na ang “Mafiassin in 1890.” Unti-unti ko na pong inaayos ang mga pagkakamali — mula sa grammar, pacing, flow, at pati na rin ‘yung mga eksenang parang kinapos sa lasa (aminin natin, may mga parteng lutang ).
Salamat sa mga naghintay (kung meron man ), at sa mga bagong madadaanan ng kwento ko, welcome po kayo sa isang mundo ng mafia, mystery, at kakaibang timeline.
Dahan-dahan man ang pagbalik ko, pangako ko: this time, I’ll finish what I started.