gomezrhonamae07

Happy New Year!! ❤

gomezrhonamae07

Magtu-two years na pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa nawala ang nararamdaman ko sa kanya? Kung kailan nangako na ako sa kanya? Noon, ang sweet sweet namin kahit walang kami, may tawagan na rin kahit wala pa ring kami, pero lahat ng iyon sa chat lang nangyayari. Nagkikita nga, nagtititigan lang. Nag-uusap pero sa chat lang. Kahit ganoon ang sitwasyon namin ok lang sa akin. Pero bakit ngayon? Nagiging cold na ako sa kanya. Siya nalang ang nagmamahal sa aming dalawa? Pero di niya napapansin na wala na. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Wala na ang dati kong pinapangarap na mapasa-kanya. Wala na, wala na ang lahat. Pero bakit ako naaawa? Bakit ako nanghihinayang? Ako kasi ang gumawa ng pangako tapos ako lang din ang sisira. Naging masyado akong sweet sa kanya kaya na-spoil na din siya. Kaya hanggang ngayon tinatago ko muna. Tinatago ko muna na hindi ko na siya mahal. At ngayon naman, pilit kong sinasabi at pinaparamdam sa kanya na mahal ko pa rin siya .