"Leo, alam mo naman na mahal kita, hindi ba? Pakawalan mo na ako, itigil mo na ang pag-ugoy sa duyan. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wala na ako at hindi na babalik pa," nagmamakaawang pakiusap ni Xiara.
Bahagyang umiling si Leo habang tumatangis. Hindi siya titigil sa pag-ugoy. Hindi niya kaya. Hindi niya alam kung papaano mabubuhay nang wala ang dalaga.
"Limang buwan na ang nakalipas, Leo, ngumiti ka na. Huwag mo nang balikan ang kahapon, at bigyan mo ang sarili ng pagkakataon. Pakiusap," nangungusap na sambit niya.
Good afternoon! Pakihanda ng tissue dahil siguradong maiiyak kayo. Ito na ang Epilogo. When Colour Dies is now complete!
https://www.wattpad.com/story/229116831