Hi, magandang umaga sa inyo mga beautiful people of Wattpad.
This is Hari, the author of Undying Fidelity, and I just want to say something na naka-bother talaga sa'kin just now lang.
Nakita ko kasi 'yong demographics ng readers ng story ko, and I was appalled when I saw na may malaking bilang ako ng readers na under 18 pa, specifically 14% of my readers.
As much as I want to be happy dahil binabasa niyo 'yong nilikha ko, I can't help but be bothered by it dahil hindi ko ma-imagine kung 'yong mga younger siblings ko ang magbabasa ng mga ganitong klase ng story na may R18+ contents.
This is very alarming for me as an author dahil ayo'ko i-promote 'yong gano'n. I know naman na batak ang mga kabataan ngayon sa gadgets and all, pero sana 'wag niyo muna pasukin ang mga bagay na hindi pa dapat.
Mag-enjoy na lang muna kayo sa mga cutesy and demure na stories dito. H'wag kayo mag-jump into adult stories agad.
Kung gusto niyo talaga basahin 'yong story ko, skip niyo na lang 'yong mga may lock icons because it contains heavy content.
Anyway, ayon lang naman. Nakonsensya kasi ang makita ko 'yon.