Hello gals! ☺
Anyway, pansin ko na palagi kang nagpo-post sa messages ko, and sobrang thankful ako roon. If miss mo ako, mas miss ko na rin kayooooooo. ✨❤
Tinatapos ko lang muna yung AMD, and ayoko munang maglapag ng exact date kung kailan ako mag-a-update kasi baka maudlot na naman or what. Hahahaha. Pero don’t worry, medyo active naman na ulit ako sa pagsusulat, kaya unti-unti na rin akong nakakabalik.
Pinapatche-patche ko pa sarili ko, ayoko munang biglain kasi baka ma-overwhelm ako. Pero kinakaya ko naman. Hehe. Slowly but surely. ☺
So ayun, kaya ako nag-message sa’yo here kasi bigla akong nagkaroon ng kakaibang feeling na parang kailangan mo ng makakausap? Ewan ko ba, baka feeling ko lang talaga or nag-aassume lang ako. Hahaha. Sorry. Hahaha.
But if ever man… I just hope na kahit sa simpleng paraan, matulungan kita or mapasaya man lang kahit kaunti. At kung may pinagdadaanan ka man sa buhay ngayon, gusto kong tandaan mo na nandito lang ako—handa akong makinig at damayan ka if possible. ✨
I can also give you my TG account para makapag-message ka roon anytime na gusto mong may makausap. (IF GUSTO MO LANG NAMAN AH. Hahaha.) Pero kung okay ka naman ngayon, mas magiging komportable at panatag talaga ang loob ko. ❤
Ayun lang naman! ^_^ Sana huwag mo masamain itong random na pag-message ko sayooooooooo. Ingat ka palagi, okay? ✨❤
Best regards, your gals.
— Lemonade1298