Nakakapagod. Nakakaiyak. Ang hirap sobra. Hindi ko na alam kung paano o kung ano ang gagawin ko. Ito na siguro yung pinakamasaklap, yung alam mong nandyan sila pero pakiramdam mo tumitiwalag sila sa'yo. Masakit. Masakit umasa na magiging ayos ang lahat, na maibabalik mo ang dati. Pilit nalang nilalabas ang mga ngiting may nakatagong hinanakit, mga matang kumikislap na laging nilalabasan ng luha, mga kwentong magaganda na nananatiling mga pangarap, mga salitang "okay lang ako" "masaya ako" na may bahid ng lungkot. Hindi ko na alam. Nahihirapan na ako. Paano nga ba? Paano nga bang maging ako ulit?