"THIS IS MY SONG"
(soon)
Prologue
Ang bawat awitin ay may kanya-kanyang kwento. Ang bawat titik o letra na bumubuo sa isang kanta ay bahagi ng isang di malilimutang istorya. Sa bawat himig ng musika, sa bawat tipa ng gitara at bawat bigkas ng mga linya, damang dama ang sakit at pait maging ang saya at ligaya ng bawat istoryang isinasalaysay ng isang kanta.
Bahagi na ng buhay natin ang musika. Sinasalamin nito ang mga pangyayari sa ating buhay. May awiting naglalarawan ng saya at tagumpay at mayroon rin namang nagsasalaysay ng ating kabiguan sa buhay.
Ako si Cindy, at musika ang buhay ko. Ito ang nagbibigay saya sa akin at maging sa bawat isang nakakarinig ng aking awitin. Musika ang buod ng aking pagkatao, ng mga pangyayari sa aking buhay, maganda man ito o hindi.
Ngunit katulad rin ng isang awitin, kung paanong tumataas at bumababa ang nota ganoon rin ang aking buhay. Ang musikang dating nagbigay saya sa akin ang dahilan naman ng gabi gabi kong pag iyak ngayon. At tulad ng isang kanta, kung gaano kaganda ang intro, nagtatapos rin ito sa fadeout.