Its been three months since the last time na tumambay ako dito, araw-araw nakikita ko sa notif ko na may nagla-like at vote ng mga stories ko, may mga iilang nagcocoment, and in the past 3 weeks napapansin ko na nadagdagan ng nadagdagan ang mga nagfofollow sa akin and as of now nag double kayo mula ng huli akong nandito.
I have been avoiding my wattpad account for 3 months now, nagsusulat pa rin naman ako ng update pero di ko magawang e-post. Im still in the process of moving on, may pinagdaanan lang ako, at ang pinagdaanan ko ay may koneksyon kung paano nabuo ang account na ito at kung bakit sa tinagal tagal ng panahon ay naisipan kong magsulat ulit.
But something happens, and everything change and everytime na nandito ako ay naaalala ko ang mga bagay na masasaya at masasakit na nangyari sa amin. I even created another watty account at nagsulat uli ako doon, at sumagi na rin sa isip ko na e-delete na ang account na ito, pero yon nga, nabigla ako ng biglang dumadami ang nagfofollow sa account ko na ito, bibihira lang kasi ang nandito, mga friends ko lang, kung may ilan man ang hindi ko kilala ay mabibilang lang ng daliri ko sa kaliwang kamay.
Two nights ago, nakatanggap uli ako ng notif na may new follower na naman ako, nagtataka na talaga ako bakit eh almost 4 months na yata akong walang ina-update sa mga ongoing ko? And then, realization strikes, ang selfish ko pala! Kungmay nagfofollow pa rin sa akin kahit di ako kilala ay ibig sabihin nagbabasa din clan g mga gawa ko, at kung buburahin ko ang account na ito ay magiging unfair lang ako sa mga nagfofollow sa akin, lalo na sa mga kaibigan ko dito, so, my decision is final na, I will stay, kaya pagtiisan nyo ang kababawan ko mga friendship, at dun naman sa di ako kilala personally, sslamat sa pag follow at pagbabasa at vote sa mga kababawan na gawa ko!
In one month time, mag iisang taon na ang first story ko, at paninindigan ko na ito, tatapusin ko siya on or before that day! Good luck to me.!