W R I T E to E X P R E S S not to I M P R E S S :**
Pag-nanunuod ka ng horror movie: Top 3 Epic Fails.
I. Hindi mawawala yung babae/lalaki na "masyadong" curious
kung ano yung kumakaluskos sa ilalim ng kama.
O kung ano yung maingay sa basement, minsan sa attic pa nga eh.
Ayaw kasi matulog nalang, chismoso/sa masyado.
II. Yung killer na bigla na lang susulpot sa harap ng victim.
TARAAAAY! marunong mag-teleport!
O di kaya, yung victim na nalock sa loob ng kwarto.
Medyo nakakaloko,
kasi nung hindi na binubuksan ng killer yung pinto,
at kapag hindi na gumagalaw yung door knob,
lalapit si victim sa pinto at bubuksan.
Ayun. Patay.
Napagod lang pala si killer. Nagpahinga konti.
III. Lastly, si victim na tumatakbo.
Ligtas na sana. Ang layo na ni victim.
Kaso, palingon-lingon pa si victim.
SAKTO! May kahoy.
Ayun. Nadapa. Pinulikat pa. Patay tuloy.
Inabutan eh.
Sooo, ayan. Sample lang ng mga bagay na pumapaikot-ikot sa utak ko. :)))
- JoinedJanuary 20, 2012
- facebook: Bloo's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or