I write because... I have a wild imagination. Sa sobrang pagkawild minsan sumasakit na rin ang ulo ko kaiisip. Di ko alam paano ko marerefresh utak ko kasi ang dami kong naiimagine. Di siya mawawala sa ita ko hangga't di ko tinatype at binabasa. Sa totoo lang puno ng draft of stories ang account kong 'to. Ang cellphone ko rin puno ng plot of stories, kung ano-ano lang. Maisip ko lang bigla tapos itatype ko lang. Pero di ko naman maisheshare sa iba. Minsan tinatago ko lang din talaga. Para sa akin lang. Ang jeje din naman kasi. Tatawanan lang ako ng iba kapag nabasa nila mga yun. Kaya naman pag nag-popost talaga ako (lalo na ngayon na mas madami na ang marunong dito sa wattpad, di tulad dati) tinatry kong matino kahit papaano. I am not a good writer. Most of my stories, cliché mga yan. Pero I don't care, wala naman ng unique story sa tagal na ba naman ng mundong 'to lahat na ng posibleng storya naisip na ng mga writer. Nasa manunulat na lang kung paano niya gagawing unique ang isang cliché na storya. Gaya ko, sobrang boring at super cliché lang ng mga naiisip kong stories at plot pero iba pa rin naman siya sa ibang story. I write my own story, kahit walang nagbabasa, I am happy. I write my story, I read it myself as well. I am my own reader. Pero syempre, isang araw, I am still hoping na may maka-appreciate ng story ko. Grade 6 palang ako, ay actually mas bata pa pala, gumagawa na akong story. Nag-iima-imagine na ako. Bata palang ako may mga nagfaflash ng kung ano-ano sa utak ko. Yung isa sa mga best friend ko una kong shinarean ng story, pero mukhang di naman sya interesado. Pero okiness lang. Natapos ko naman ang story na yon. Kaso di ko na makita kung saan ko napalagay yung intermediate paper na sinulatan ko nun. Sayang. Pero naalala ko pa rin naman ang story na yun. Cute.
Wattpad is my comfort. I am a self declared writer, and I am proud of it.