iLOVEmESELF

GradWaiting!! ಥ⁠‿⁠ಥ

iLOVEmESELF

Na introduce sakin ang Wattpad nung 2011 nagbakasyon kasi dito sa Pinas yung pamangkin kong taga-Australia. Pagkauwi niya dito sinabi niya sakin na nagsusulat daw siya ng stories and mostly about vampires and wolves kasi peak ata yun ng Twilight kaya ‍♀️. So ako naman gumawa ng fake account dito sa Wattpad para magpanggap na avid reader niya at nagcocomment ako sa mga stories niya. Actually 2010 palang nagbabasa ako ng pocketbook kasi sobrang mahilig din silang magbasa ng pocketbook dito sa bahay. Wiling wili ako sa pocketbooks noon. Hanggang sa nakalimutan ko na yung Wattpad. Fast forward nung 2012 kasagsagan ng PBB Teens Fourth Edition and naadik ako sa kambal na si Joj at Jai at dun sa love team ni Jai and Alec or JaLec. Nagsearch ako sa google ng 'JaLec fanfiction stories' and ang daming lumabas na link ng JaLec fanfiction stories sa Wattpad. And clinick ko tas yun nagbabasa lang ako ng mga JaLec na fanfics hanggang sa nakalimutan ko na naman mag-Wattpad and wala kami ganong wifi that time. 

iLOVEmESELF

I'm uninstalling you muna. (╥﹏╥) For years, sa lahat ng bagong phone ko walang mintis, lagi kang nakadownload. Kaya to think na I'm taking a break muna on reading here really breaks my hearts. </3 Babalik din naman ako hehe. I just need a rest from Ciandrei kaya deleting this app would help talaga. ༎ຶ‿༎ຶ I promise to be back as soon as I can! ( ◜‿◝ )♡ Thank you, Wattpad. ♥️
Reply

iLOVEmESELF

Gwai shone light during the darkest days of my life. Nung nagsisimula palang yung COVID-19 talagang si Elyse and Sevi talaga yung nagbigay sakin ng happiness nung lockdown. :') Kaya to think na (SPOILER ALERT) ganon nangyari kay Shan parang di kaya ng puso ko haha. Di ako makapaniwala na ganon pero hey I love pa rin Univ Series. Kahit sobrang sakit. Bittersweet. Masaya pa rin ako na nakilala ko silang lahat. (╥﹏╥) Kaya ngayon na sinasabi nila sa tiktok na mag-qquit na daw si Gwy sa pagsusulat parang di nawalan na ng sense na may Wattpad pa rin ako sa cellphone. Knowing na she's planning on quitting parang di ko ata kayang mag-Wattpad muna. May sarili naman na kasing app si kwin at nagbabasa ako ng mga foreign na romance stories mga epubs, pdfs, and nakikinig nalang ako sa audiobooks, and nagbabasa ng manhwas. Bihirang bihira ko nalang talaga na-oopen yung Wattpad. :< Tsaka hangga't may Wattpad pa sa cp ko matetempt akong basahin yung OYE. Rn di ko pa kaya haha. Feeling ko di ako makaka-move on ng matagal sa OYE. Babasahin ko naman siya ng buo pero siguro hindi pa sa ngayon. Kasi nasa indenial stage pa rin talaga ako. Kaya Wattpad! (༎ຶ ෴ ༎ຶ) I'm signing off muna huhu.
Reply

iLOVEmESELF

2020 nabasa ko yung The Rain In España. Clinick ko yung profile nung author which is si 4reuminct or Gwai. And binasa ko Safe, Skies, Archer and for the second time she did not disappoint. Yung emotions na naramdaman ko sa stories niya was real talaga. Her writing also got me kasi hindi siya cringe and yung grammar niya saktong sakto sa taste ko. 
Reply