Matagal ko nang gustong magsulat. Laging napakaraming kwento ang paikot-ikot na naglalaro sa isip ko. Sabi sa akin ng professor ko sa writing, lahat ng kwentong naisusulat natin ay may bahagi na nanggaling sa buhay natin. Ganun daw yun. Mas galing sa puso, mas maganda, mas nadarama.
Nagtuturo at nagdidirehe ako ng play sa Jose Rizal University. Nagtapos ng sosyolohiya sa University of Santo Tomas. Nagtrabaho at napadpad sa kung saan-saang kumpanya bago nagdesisyong tumalon sa pag-aaral ng paggawa ng pelikula sa Marilou Diaz-Abaya Film Institute sa Antipolo. Naging bahagi ako ng makinang at masaya, minsang masalimuot na mundo ng pinilakang-tabing at telebisyon. Nakasalamuha ko ang ilan sa mga bituin.
Ngayon, nagsisimula akong muli. Parang marami pa akong kailangan matutunan. Pero handa ako. At sa buong buhay ko, sa dami ng mga taong nakilala ko, nililikom kong lahat ng ligaya at pait, sarap at kalungkutan, upang bumuo ng mga kwentong sana'y magustuhan ninyo.
Ako si Jeremy. Ako rin si Standoffish.
- JoinedMarch 12, 2012
- facebook: Jeremy's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or