Unang Paghanga.
Note: Ang mga pangalang nabanggit ay di totoong pangalan nang kung sino mang binaggit.
Aking sinta, oo, napanaginipan kita
Kasama sina Birth, at Marybel sa eksena.
Isang disyerto, parang ganoon nga
Sa likod ng tricycle doon ka bumaba
Niyakap ko sila, at kasama ka na
Ang higpit ng yakap ay tumagos sa kaluluwa
Damit mong walang manggas, at itim na suot mo sa'king kaarawan
Oo, tanda ko pa, mag-iisang taon na pala.
Sa aking pantasya, tayo'y iisa
Naalala ko pa'y pinaghintay kita
Ang sabi ko sayo ay saglit lamang
At ikaw ay naghintay, maraming salamat sayo aking sinta.
Ang yakap ko sayo sa panaginip
Ay patuloy na nadarama ng aking dibdib.
Ang aking utak ay nagisip.
Ang reyalidad ay totoo, pantasiya ang panaginip.
Isang taon na ngunit ikaw parin ang nasa isip.
Ilang buwan narin nang ika'y huling nasilip.
Aking bubot na damdamin ay patuloy na nagnanais.
Makita kang muli, kahit na mali.
Ang di pag amin sayo'y alam kung hindi tama.
Paggamit sa kaibigan mo'y di katanggap-tanggap.
Sabi nila'y matalino ako
Ngunit syang tanga nang dahil sayo.
Maganda mong mukha'y nagpapatigil saakin.
Mga humahanga sayo'y syang ang dami rin.
Isa lamang akong 'ate' na walang pag-asa sayo
At patuloy na naghahangad ng ikasasaya mo.
*unang paghanga. I am 16 years old nang magkagusto ako sa isang tao.
It's not yet love.. It's just an attraction.