Hindi ako writer. Isa akong hamak na magbabasa na tumatangkilik ng mga stories nyo. Hindi ako silent reader kasi bumoboto din naman ako at nagcocomment kahit papano. Mahilig ako sa Tagalog Romance pocketbooks at sa kahit anong libro.
Naalala ko nun highschool, sa sobrang hilig ko magbasa, muntik na akong ipadala sa principal's office... Nahuli kasi ako nun teacher ko sa Social Studies na nagbabasa ng pocketbook at nakatago to sa libro. Ang malas ko lang kasi baliktad un libro. Hahahaha
Bookworm ako, nerd na din siguro. Kahit ano binabasa ko, mapa dictionary or medical book man yan.
Kung noon, lagi akong may dalang libro.. ngayon hindi ako makaalis pag di ko dala ang phone or iPad ko, maraming salamat sa Watty at ebooks, no more dull moments lalo na pagnakapila sa supermarket.
Ayun lang... kung tatanungin nyo ko kung may plano akong magsulat... di ko pa alam. Busy ako sa pagbabasa. :))
- JoinedOctober 25, 2013
Sign up to join the largest storytelling community
or
iemIrene
Mar 05, 2017 04:14PM
Okay lang naman ang typo... Basta tama un grammar. Lalo na un "his, her, him, she, he". Haaaay.View all Conversations