Dahil sa love...
naubos ipon ko kaka-load
nabaliw ako
nagbago ako
mas lalo akong naging self-conscious
bumait ako
nabawasan ng konti yung pagmumura ko
nagselos ako
sumaya ako
nangulila ako
nainspire ako
lalong lumala mood swings ko
bumibilis tibok ng puso ko
lipad na utak ko
naranasan ko yung time na di ko maintindihan sarili ko
natuto akong ibaba yung pride ko
lagi akong nag-aalala
hindi ako makatulog
umiyak ako
natuto akong makuntento
nabawasan kasungitan ko
naging blooming ako
naging mas open-minded ako
palagi akong online sa fb
nakaaway ko mga “kaibigan” ko
mas madalas ko na gamitin ang salitang “sorry”
natuto akong magsabi ng “i love you”
naging maaalalahanin ako
madami akong nakakalimutan gawin
palagi akong nag-iingat para hindi mabisto ng nanay ko
iniingatan ko na sarili ko kasi alam kong may nagmamahal sakin
naranasan ko kung gaano kasarap yung feeling na masabihan ng “i love you”
nainsecure ako
naranasan kong magpatawad kahit sobrang sakit na
natuto ako magtiis
natuto ako maghintay
nagsinungaling ako sa mama ko
naranasan kong maimagine yung future namin
sinisipag ako minsan
madalas akong tinatamad
gusto ko na matuto magluto
kinailangan kong kapalan ang mukha ko
may nahusgahan ako
nadurog ang puso ko
minsan ko nang nadama yung pakiramdam na “ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa”
nabawasan yung pagiging materialistic ko
madalas ako magtampo
kinilig ako
naramdaman ko na hindi pala ako nag-iisa
nadama ko na may kadamay lang ako palagi
napapanaginipan ko sya
gusto ko magkapera pamasahe papunta dun sa kanila, o kaya pangload
natuto ako magpahalaga ng isang tao
narealize ko na may mga tao palang “kawalan” sakin
nadiskubre ko na may tao pa palang magmamahal sakin
At dahil sa love… naitype ko itong post na toh. <3