imayunation
nalulungkot ako kapag iniisip ko na maghihiwalay kami ng landas ni john louise. na pagkatapos nitong 3 semester... wala na. matatapos na rin kami. wala na akong hihintayin. wala na akong hahanapin. wala na akong rason. wala na akong bukambibig. wala na akong iisipin. wala na akong panghahawakan. alam ko naman na hindi seryoso tong nararamdaman ko eh. basta miss ko na siya agad. siguro kahit pagkagraduate ko ay hahanap-hanapin ko pa rin siya. o iisipin. pero hindi naman kasi ito totoo. diba? mali naman kasing hintayin siya. pero siya lang kasi ang gusto ko hintayin.