"TO WRITE A STORY IS NOT FOR THE WEAK."
skl.
writing a story made me realize something.
totoo pala talaga yung sinasabi ng ibang writers—kapag nagsusulat ka, hindi lang sapat na ine-express mo yung sarili mong nararamdaman. kailangan mo ring maramdaman yung emotion ng mga character mo.
habang binubuo ko pa lang yung plot sa utak ko, iniisip yung mga scene, yung narration, yung bawat line... natutulala na lang ako out of nowhere.
parang bigla na lang akong nawawala sa reality.
sometimes, tahimik lang akong nakatingin sa kung saan, but ang dami nang nangyayari sa isip ko. nakikita ko silang nagsasalita. nakikita ko kung paano sila umiiyak, kung paano sila nagmamahal, kung paano sila unti-unting nadudurog. naririnig ko yung mga salitang hindi pa nila nasasabi. ramdam ko yung mga emotion na hindi ko pa naman naisusulat.
and doon ko na-realize na hindi pala sila ang nabubuhay sa'yo. ikaw ang nabubuhay sa kanila.
for a while, you stop being yourself. you become every single one of them. you carry their regrets, their fears, their anger, their love, and even the words they could never say out loud.
and tbh, it's so draining.