Minsan sa pag-ibig dumadating talaga sa puntong kahit sobrang bigat na ng sakit na nararamdaman mo sa sobrang hapdi na ng puso mo sa mga sugat iyak at hinagpis mo dahil sa taong minahal mo pero sinasaktan ka ngayon, e mas matimbang parin ang pagmamahal mo sakanya kesa ang hinaing ng puso mo na “tama na”. Oo lahat tayo dumadaan diyan, darating at darating sa puntong maiisipan mong tama na at tila ba hindi mo na kaya pa para sumulong at magpatuloy na mhalin siya dahil sa mga kadahilanang sadyang hindi mo na maipaliwanag at hindi na kaya pang ipaubaya pa sa salitang patawad.

Minsan mo na bang naramdaman ito na sobrang bigat na sa puso mo. Sobrang sakit at sobrang hindi mo na talaga kaya pang kalimutan ang lahat ng sakit. Ni hindi mo na din malubos maisip na kung paano pang paraan at salita para lang maibalik ang dating pagsasama at pagmamahalan niyo. Pero minsan kahit gaano pa kabigat ang nagawa sayo ng taong nasa harapan mo. Taong naging lubusang parte ng puso at isipan mo. Ay ang taong handa mo parin mahalin sa kabila ng lahat ng sakit at iyak na nagawa niya sayo. Maliit man o malaki ang lahat ng ito pero darating at darating parin tayo sa puntong handa ka parin magpatawad at kalimutan ang lahat lahat dahil sa isang kadahilanan mahal mo siya at handa kang magsimula kayo ulit katulad ng unang nyung pagmamahalan.
  • Marinduque Philippines
  • JoinedMay 7, 2014




1 Reading List