itskavii
Ang MALAYAH ay narito nang muli<3 https://www.wattpad.com/story/273932608-malayah Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing angkinin ng bakunawa ang buwan, isang natatanging sanggol ang isisilang. Yaong may biyaya ng parehong liwanag at kadiliman. Isang limot na diyos. Dahil sa pakikialam ni Apalaan, nagulo ang mga nakatakda. At upang makabalik sa Kawalhatian bilang isang diyos ay kailangan niya itong itama. Ang bakunawa. Isang gabi ay hindi na nakita ni Malayah ang kanyang ama. At upang matagpuan ito ay kailangan niyang hanapin ang mga hiyas patungo sa mundo ng Hiwaga.