May nakita akong article na nagsasabing may mga taong nag-pupush na palitan ng Wattpad stories ang mga short stories na nasa mga textbooks pang-highschool. So, papalitan sila Abueg, Edroza-Matute, Amorsolo at iba pa? I'm not a professional when it comes to writing but I still write for leisure. Pampa-ubos oras, pampalibang. I read stories here too para mas lumawak ang imagination ko. Masaya naman akong nakakapagbasa dito at natutuwa na nagkakaroon ng chance ang lahat na makapag-publish ng sarili nilang libro. Pero not to the extent na ilalagay ito sa mga textbooks. Yes, nakaka-inspire ng maraming teenagers ang Wattpad at ang mga teenagers na ito ang halos bumubuo sa Highschool. Pero hindi ba't nakakahiya naman na papalitan ang mga BETERANONG manunulat sa mga textbooks? Aminin man natin o hindi, hindi lahat ng nagsusulat dito ay professional. Oo nga't nakapag-publish tayo ng mga libro pero naabot na ba natin ang mga naabot ng mga deka-libreng manunulat na mga ito? Nakapagmulat na ba tayo ng mga kaisipan ng kabataan upang mahalin ang sarili nating bayan? Mushy mushy lovestories at puro kiligan ang sinusulat at binabasa ko. Mataas ang respeto ko sa mga authors na nakapagpa-publish ng libro. Hindi biro ang makapagsulat ng nobela. Pero mas mataas pa din ang respeto ko sa mga beteranong manunulat at mas hindi biro ang nagawa nila upang makapagpamulat ng sambayanan at makapagsulat ng mga kwentong kapupulutan ng aral para sa bayan.