Hello everyone! Magpapaalam muna ako sandali... maghihinto lang ako pansamantala para magpahinga at upang makapag-isip na rin ng mga sumusunod na mga eksena para sa Nos vemos en el pasillo. Medyo naging abala lang ang mga nakaraang araw, at kailangan ko munang maglaan ng oras para sa sarili.
Maraming salamat sa patuloy n’yong suporta at pagmamahal. Pangako, babalik ako soon, mas sariwa ang utak at mas ganado sa paglikha.
Sa mga minamahal kong mambabasa na walang sawang sinusuportahan ang aking ginawang nobela, ang pag-iwan ng mga komento, naging isang masayang ala-ala iyon para sa akin bilang isang manunulat!^^
Hindi ito paalam, ha? Pahinga lang muna sandali. Babalik ako sa tamang panahon, at maraming salamat dahil isa kayo sa aking nagiging inspirasyon!