Isang kwento ng pag-ibig at digmaan.
Jasmine, isang dalagang modernong estudyante, ay abala sa kanyang thesis tungkol sa panahon ng Hapon sa Pilipinas. Ngunit sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng digmaan may isang mundo kung saan baril ang musika ng gabi, luha ang tinta ng kasaysayan, at buhay ang kabayaran ng kalayaan.
Doon niya nakilala si Miguel isang matapang na guerilla na handang ialay ang lahat para sa bayan. Sa gitna ng panganib, umusbong ang isang damdaming hindi niya inaasahan. Ngunit paano kung ang lahat pala ay isang panaginip lang? At paano kung ang iniwan sa kanyang puso ay isang pahimakas..isang huling pamamaalam na may kasamang pangako?
Sa pagitan ng kasaysayan at panaginip, pipiliin ba ni Jasmine na bumalik sa reyalidad... o manatili sa isang mundong siya lang ang nakakaalala?
"Aking binibini,Gusto kitang protektahan sa paraang kaya ko"
"At sa bawat pahina ng libro, Ikaw ang paborito kong paksa."
https://www.wattpad.com/story/372191349?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_writing&wp_page=create&wp_uname=itzurlovelygirl