Bakit hindi ka magsorry sa akin ng personal at sa Bio mo nilalagay ang statement mo? Bakit hindi mo replyan ang private message ko sayo? Hinayaan mo lang na dumaan ang ilang araw kaya nagkaganito. Kung sanang nagmessage ka sakin tungkol sa ginawa mo, hindi ka sana magkakaganyan. At lalong hindi ako magkakaganito. Pinatagal mo pa kasi eh. Alam mong mali pero tinuloy mo. Active akong writer sa wattpad kaya nalaman ko ang ginawa mo. At yang sinasabi mong kesyo deserve mong ganito ganyan, kaysa magsabi ka ng mga walang saysay na mga pananalita, bakit hindi mo ako harapin? Tayong dalawa in private messages? Willing naman akong pakinggan ang reason mo. Pero hindi ka man lang nagparamdam ng ilang araw at sino ba namang hindi mag-aalburoto sa ginawa mong pananahimik. Sana nagmessage ka sakin right away. Dahil sa ginawa mong pananahimik, at pagtatago, lalo kang nadiin sa ginawa mo. Halatang guilty ka sa ginawa mo. Mabait naman akong writer eh. Kaso sadyang nasaktan ako sa ginawa mo. Reader pa naman kita akala ko totoo ka. Pero niloko mo ko. Kung tutuusin, wala kang karapatang magself pity. Dahil unang una sa lahat, hindi mo bagay. Napakataas ng pride mo ang bata bata mo pa. Kailan mo ba ako kakausapin na tayong dalawa lang? Para masettle na itong plagiarism na ginawa mo? Hindi mo naman ako masisisi kung hihingi ako ng tulong sa pagreport sayo dahil sa pagnanakaw mo. It is my right to report you and ask for help dahil ako yung naagrabyado mo. And now you have the audacity to say those selfpity statement? Talagang nakakaawa ka. Kausapin mo lang ako. Pag usapan natin ng maayos kung bakit mo iyon nagawa sakin. Para matigil na ‘to lahat. Kasi kung hindi, hindi ako titigil.
Ibaba mo ang pride mo at harapin mo ako. Hindi pa nga kita nakausap na humingi ka ng tawad eh. Bata ka pa. Huwag mong sirain ang pangalan mo nang dahil lang sa simpleng pagkopya at pagnakaw ng story ng iba. Tandaan mo, there’s more to life than copying someone else’s story.