It's almost a year since I last posted something on my wall and 2 months on updating my story here in watty. Ang gusto ko lang sabihin titigil na ako... titigil na akong mag-english. Dumudugo na ilong ko. Hahahahaha! Tawa kayo ha.
Seryoso na. Dedicated ang post na ito para sa mga tumatangkilik sa BE MINE at sa iba ko pang gawa. MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO. Patuloy pa rin akong naghahanap ng drive para magsulat ulit. Feel ko kasi may kulang sa mga draft ko kaya 'di ko kayang i-update iyon sa mga on-going stories ko. Ayaw ko namang pilitin kasi ako lang din ang mafu-frustrate sa gawa ko pagkatapos.
Again, MARAMING SALAMAT SA MGA BUMASA, BUMABASA AT MAGBABASA PA LANG SA MGA GAWA KO. SA MGA NAGLALAGAY NITO SA READING LIST NILA. THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU!
At sa mga NAG-FOLLOW naman sa akin. MARAMING MARAMING SALAMAT. Masaya na akong malamang may nakadiskubre sa gawa ko kaya nang may mga reader na kagaya niyong nagbabasa ngayon sa post na ito (nagfollow sa akin) lubos ang kaligayahan ko. Thank you ha.
Note: Magli-lie low pa ako ng ilang buwan siguro pero hindi ako titigil sa paghahanap ng paraang makabalik ulit sa pagsusulat. So, dito na magtatapos ang mahaba kong speech. Isiningit ko lang kasi 'to may ginawa kasi ako nagpahinga lang saglit at naisip si watty. May mga nakatambak akong mga kwentong isinulat kung may oras kayo icheck niyo iyon. Uhm, See you soon!