faeryelle

my ghad, cali, ang tagal-tagal na non. pero yung matagal na yon, nandito parin. that's just one mistake! isa lang! kahit isa, dalawa, tatlo, pareho lang yon! sumawsaw ka parin sa iba! lasing ako non. lintik na palusot yan, kahit lasing ka alam mo ginagawa mo. kaya nga nag-sorry ako agad sayo non di ba? kasi kahit anong sabihin ko, i was wrong, nagkamali ako, nasaktan kita. kayong mga lalaki, akala niyo kapag nambababae kayo nasasaktan niyo lang kami? makikipagchukchakan kayo tapos ineexpect niyo na iiyak lang kami? itutulog lang ang sakit tapos kapag gising okay na? yun yung pangarap namin, sana nga ganon na lang kadali yon, kaso hindi, walang tigil ang takbo ng utak namin, pinilit sagutin ang maraming tanong, bakit kaya nagawa yon? am i not enough? may kulang ba sakin? pa ngit ba ako? pa ngit ba katawan ko? kapalit-palit ba ako? no! then why?!! bakit mo 'ko nagawang lokohin?!