Ano nga bang meron sa "Diamond Bazaar" kung saan kalahok si Timothy Feliciano at ang kumpanya nitong Friella?
HEADS UP: "Diamond Bazaar" is considered the most high-end bazaar na maipagmamalaki bilang Pilipino. Kung hindi man pantay ay higit itong kaabang-abang sa Fashion Week na ginaganap sa mas mauunlad na bansa. Karamihan sa stylists ng foreign fashion icons, celebrtites and singers ay lumilipad pa patungong Pilipinas upang kilatisin ng personal ang mga bagong likha.
It is a fashion designer’s merit kung aaprubahan sa Diamond Bazaar na gumawa at magbenta ng sariling collection, at para kay Timothy, pangatlong beses na niyang mapasali. Idagdag pang pamula’t sapol ng pagsali ay lagi na niyang nakukuha ang lead sales na ina-anunsyo sa katapusan ng event.