this message may be offensive
Sakay siya ng jeep papuntang trabaho, as usual mainit, maalikabok at sobrang mahangin. Sa katunayan nililipad na nga ang hanggang bewang niyang buhok, pinusod niya muna ito habang naka STOP pa naman. Napadako ang tingin niya sa isang itim na kotse sa bandang kaliwa nila. Na pinagsisihan niya kinalaunan hindi dahil sa ano paman kundi sa lulan ng kotse. Nakabukas ang bintana. Una niyang napansin ang nakaipit na sigarilyo sa mga labi nito. Hot. Napadako ang tingin niya sa medyo singkit na mga mata ng lalaki. Gwapo! Pero bakit nakatitig ito sa kanya? Kumunot ang noo niya. Waitttttt. Nakatitig? Nakatitig nga, at nakataas ang kilay habang unti-unting binubuga ang usok mula sa sigarilyo. Ang yabang! Gwapo pero mayabang! Inalis niya na lang ang tingin dun sa lalaki dahil kinakabahan siya. Di sa nagaassume siya ha. Pero nakatitig talaga yung mama. Binalik niya ang tingin dun sa kotse at asdftydnfjfkfld!!! Nakatingin parin sa kaniya yung lalaki at nakataas ang sulok ng labi. Asshole! Iniwas niya na lang ulit ang tingin. Hay, buti na lang at umandar na ang sasakyan. #jeepneystories