Susulat ako ng kwento, kwento kung pano kita minahal at minamahal parin.
Kasunod ng ating kwento na "Ano nga ba talaga tayo?" ay mapupunta na lang ba sa "Kung pano tayo nag tapos"
Gusto kita saksi ang mundo.
Mahal kita saksi ang mundo.
26 months na relasyon, pagmamahal kong walang hanggan.
Isusulat ko kung gano kasakit ang mga salita na kailan man hindi ko naisip na maririnig at matatanggap ko galing sayo.
Mga mata ko na kung nakikita mo makikita mo kung gano mo ko pinapasaya.
Mga tenga kong nakikinig sa boses mo na kahit ulit ulitin hindi mawawala ang ngiti sa labi ko.
Ngayon,
Mga mata ko na lumuluha ngayon na wala ka na.
Tenga ko na saksi kung gano kasakit marinig galing sayo mahal,
na "Wag ka na dito"