januarykiss
Nakakatuwa! Halos nakalimutan ko na ang mundo ng Wattpad samantalang nung high school ito halos ang mundo ko. Ganun talaga siguro pag college na. Nakakatuwa na yung mga taong kakilala ko dito sa Wattpad hanggang ngayon active pa din. Ngayon ko lang narealize na may pagka-magical ang Wattpad. Kasi may mga taong dito ko lang pwedeng makilala at makausap. Nakakatuwa din na may mga nagbabasa pa rin ng mga sinulat ko! salamat po. At since may ilang linggo pa bago mag end ang summer vacation, I'm thinking of getting back to writing. Pero hindi ko pa sigurado. Inspired kasi ako ngayon kakapanuod ng mga anime at kdrama hahaha kaya busy din, ang dami pang papanuorin! Gusto ko lang mangamusta at magparamdam saglit. Hello po :)