Kay tagal ko rin nagintay at nanabik sa araw na ito. Noong isang taon sa eksaktong araw din na ito ika 3 ng Disyembre taong 2020 sinimulan kong basahin ang nobelang I Love You Since 1892 at natapos ko itong basahin nitong ika 28 ng Septyembre 2021. Dahil masyadong masakit ang mga pangyayari pagsapit ng ilan pang mga kabanata, natagalan ako sa pagbabasa rito. Humihinto ako kapag hindi ko na kaya o masyadong masakit na, at nagpapatuloy kapag kaya ko nang muli. Hindi ko na maisip kung ano ang buhay ko ngayon kung hindi ko nakilala at wala sila Carmela at Juanito. Hindi ko alam na sa simpleng pagbabasa pala ng kwento nila ay maraming mababago sa akin. Hindi ako nagsisisi na pinaglaanan ko sila ng oras at na sinamahan ko sila sa kanilang mga napagdaan sa kanilang kwento, sa kabila ng lahat ng emosiyon na aking naramdaman. Napaka ganda ng kanilang kwento, ng kanilang pag-iibigan. Masaya ako na nakilala ko sila at dumating sila Carmela at Juanito sa buhay ko, at para sa akin ay hindi lang sila basta nabubuhay sa ating imahinasyon o piksyon at sa aklat. Dahil habang buhay silang mananatili at mabubuhay sa aking puso at isipan.❤️
Nang matapos ko ring basahin ang nobelang ito ay sinabi ko sa sarili ko na iintayin kong dumating ang araw na ito at doon ko babasahin ang prequel nito na 'Our Asymptotic Love Story' at sawakas dumating na rin ang araw na ito ngayon. Inaamin kong sobrang nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon ngunit sa tingin ko ay hindi na talaga mawawala ng tuluyan ang sakit at ayoko rin. Ngunit sawakas ay makikita ko na rin kahit papaano sa kabila ng lahat na kanilang dinanas, ay sa sumunod na habang buhay nagkasama at nakuha na rin nila Carmela at Juanito sawakas ang kanilang masayang wakas sa kanilang wagas na pag-iibigan.❤️
Maraming salamat sa'yo Inay, sa magandang mundong iyong nilikha. Sinisinag kita Inay.❤️ Sinisinag ko kayo ng sobra Carmela at Juanito, ganoon rin ang iba pang mga karakter na aking minahal na rin.❤️