Today is October 1st... and surprise! ✨ My new story will finally begin this Sunday! Been working on this since June and so far, this is the most experimental story I've ever written. See ya on 6th! ✨
Title: Jeff’s Not Yet Dead?
Genre: Supernatural, Paranormal, Comedy Drama
No. of Chapters: 30 (Tentative)
Date of Release: October 6, 2024
Date of Completion: November 6, 2024
Synopsis:
Si Jeff… hindi pa patay?
Dahil sa sunod-sunod na kamalasan at pagsubok sa kanyang buhay, hindi na makapag-antay si Jeff na mamatay at tuluyang iwan ang buhay na nakagisnan. Sa kalagitnaan ng buhay-kolehiyo, hindi niya inaasahan na darating ang araw na magkakatotoo na ang lahat—ngunit, itinakda nga ba siyang sunduin ng kamatayan?
Bagama’t gulong-gulo, ipagpapatuloy niya ang kanyang buhay bilang mortal ngunit sa katawan ni Emily Jane Torres, kanyang kaklase na siyang maghahatid sa kanya sa isang marangyang buhay at sa tinatagong baho ng mga kaibigan ni Emily. Hindi man niya kagustuhang manatili pa sa mundo, kailangang niyang tapusin ang kanyang mga misyon bago ang ika-apatnapung araw. Magagawa pa ba niyang maituwid ang mga buhay ni Emily sa huling pagkakataon? Ano kaya ang kinalaman ni Emily sa biglaang pagbago sa kanyang tadhana? O ‘di kaya’y mayroon pang tinatagong lihim sa likod ng kanyang biglaang pagkamatay?
Tunghayan ang magulong tadhana ni Jeffrey Martin Galindo na siyang pilit niyang tinatakasan sa gitna ng mundo ng mortal at ng kabilang buhay.
Ps. Another [big] announcement on Oct. 26th. Stay tuned!
Only on Wattpad.
Follow for more updates:
wattpad.com/user/jekeiski
https://www.wattpad.com/story/377526239