Natawa lang ako. Huehue
Iba't ibang klase ng GM
GM every hour, every minute- Pag gising mo, GM. Pag kakain ka, GM. Pag matutulog ka, GM. Pag badtrip ka, GM. Pag masaya ka, GM. Pag nakatambay ka, GM. All in one day. Ang daming GM sa isang araw lang. Kulang na lang, pati pag natatae ka, iGM mo pa.
GM na PM- Kapag may lovelife ka, may crush o kalandian, kapag hindi siya nagtetext, kunyare mag gGM ka. Pero sakanya mo lang isesend.
"Badtrip naman. Ang lungkot lungkot ko ngayon. Text tayo.
GM”
All in one- Mga GM na pang buong araw na. Mga nobela.
"GoodMorning! Kakagising ko lang! Kain na rin kayo almusal! Aalis ako mamaya! Tapos mamayang tanghali, alis ulit! Tapos mamayang gabi nalang tayo magtext ulit! Puyatan tayo mamaya ha! GM"
Quotes- May nagustuhan kang quote tapos gusto mong iGM
Mention por all- Minention mo na lahat. Imbis na iPM mo na lang sila, ilalagay mo pa sa GM. Lalo na kapag sikat. I memention mo para kunyare sikat ka rin. “@chuchu- Sorry nakatulog ako! @cheness- Musta ka na? @chervalou- Iloveyou! @echos- Bakit ka nag PM?”
Tamad- Mga GM na ganito, “Hello. Text tayo /GM”
Paasa- Yung akala mo PM, GM pala. Nag GM ng iloveyou crush mo. Akala mo totoo na. GM lang pala. Aray.
Walang pake- Mga GM na, wala silang pake kung sino makakabasa. “Putangina! Badtrip naman! Nakakagago! Punyeta! Wag mo kong inaaway tarantado ka! Mali ka ng kinalaban! Tangina mo! /GM”