jeyorgeous

Pa'no maging tanga?
          	Halika, tuturuan kita.
          	Subukan mong mamangka sa gitna ng kalsada!
          	Maghanap ka ng santol sa puno ng mangga.
          	Buhusan mo ng tubig ang loob ng 'yong tenga;
          	at pisaan mo ng sili ang 'yong mga mata!
          	
          	Bilangin mo ang hibla ng 'yong buhok.
          	Maghanap ka ng kuto sa ulo ng panot.
          	Kumain ka ng buko kasama pati bao at bunot
          	o kaya nama'y magluto ka ng bato tapos hintayin mong lumambot!
          	
          	Ito pa, gawin mo...
          	Igiban mo ng tubig 'yong inidoro--
          	syempre, 'yong hindi barado!
          	Tingnan natin kung mapupuno mo!
          	Subukan mo ring mag-abang ng barko sa terminal ng eroplano
          	o kaya naman,  magkabit ka ng karatula sa likod mo
          	na may nakasulat na "SIPAIN N'YO KO!"
          	tapos magalit ka kapag may sumipa sa 'yo!
          	
          	Pa'no maging tanga?
          	Ganito, makanig ka!
          	Humigop ka ng sabaw gamit ang tinidor.
          	Bumili ka ng shabu sa drugstore!
          	Mamingwit ka ng isda sa swimming pool.
          	Hiwaan mo 'yong palad mo, sabay babad sa  alcohol!
          	
          	Akyatin mo 'yong puno ng kamatis!
          	Subukan mo ring matulog sa gitna ng riles!
          	Yakapin mo 'yong cactus nang mahigpit.
          	Subukan mong punuin ng tubig ang basket!
          	Oh 'di ba? Tangang malupet?!
          	
          	Ano, hihirit ka pa?
          	Pa'no maging tanga?
          	Ganito lang 'yan...
          	paghiwa-hiwalayin mo 'yong kapeng 3-in-1. 
          	Tanungin mo 'yong buwan kung ba't ka niya sinusundan!
          	Subukan mong mag-toothbrush gamit ang suklay.
          	Maglakad ka nang may saklay kahit 'di ka pilay!
          	Maghanap ka ng ginto sa dulo ng rainbow.
          	Sabihin mong 'wag kang sundan ng sarili mong shadow.
          	Subukan mo ring mag-isang maglaro ng seesaw!
          	
          	At dito, 'di ka papalpak--
          	magiging tanga ka nang swak na swak!
          	Kilitiin mo ang sarili mo, sabay halakhak
          	at gamit ang 'yong mga paa, ika'y pumalakpak!
          	
          	Pero ito na; seryoso na!
          	Pa'no maging tanga?
          	Edi, balewalain mo 'yong taong nagmamahal sa 'yo nang totoo...
          	at ipagsiksikan mo ang sarili mo sa taong walang pakialam sa 'yo!
          	
          	-©B.U.