Tulog sa umaga, dakilang trying hard na manunulat sa gabi. Walang alam na gawin kundi; manuod, magbasa, maligo, kumaen at mangulangot kapag magisa sa kwarto. Nagsisilbing pangalawa ako sa apat na magkakapatid sa pamilya. Labing pitong taong gulang na kumpleto ang bahagi ng katawan.

Buhay kolehiyo. Na ngayo'y naghihirap sa pag-gawa ng thesis documentation dahil walang tulong ang mga nasabing members. Kaya napagpasyahan na magsulat nalang kesa maghirap. Kapag nagsusulat ako, dapat tahimik ang lugar at walang saliw na tunog na radyo galing sa mga kapitbahay. Maarte ako.

Araw araw din akong nagpupumiglas at makikipagsapalaran sa daang walang kasiguraduhan sa mga bakulaw na kapag nabangga mo ay magaamok at pababagsakin kang tuluyan na akala moy panginoon na ayaw mahirapan o maistorbo sa payapa nilang oras.

At ako ang taong may malalaking laro na katanungan na hindi masagot sa isip. Baliw ako. Di ako writer, pero mahilig akong mag kuwento. Simpleng tao lang ako, na may simpleng pangarap. Simpleng taong natutulog sa lapag at nagaalmusal ng pandesal sa umaga, simpleng taong naglalaba katulong ang naimbentong washing machine. Simpleng taong may gusto sa simpleng babaeng puro dedma kapag nagpapa-pansin ako.

Masaya ang buhay ko. Kasing ganda ng alitaptap na lumilipad sa gabi sa bukirin, kasing ganda ng puting balahibo ng kuneho, kasing ganda nang magbabasa nito. Madalas akong hindi pagkatiwalaan ng mga kaibigan ko, dahil alam nilang mas baliw pa ang isip ko sa kanila. Power tripping ako masyado sa ibang bagay. Kung binabasa mo pa to hanggang ngayon. Ibig sabihin mahilig ka ngang magbasa. Baliw ako, yun ang huling depinasyon sa pagkatao ko. Sabi ng iba, sa wattpad community ko daw mailalabas ang lahat ng mga imahinasyon ko sa loob ng karneng nasa ulo ko. Sa ngayon, gusto ko lang sabihin, may tamang panahon. Para sa isang kagaya ko.
  • Manila
  • JoinedDecember 16, 2014

Following