"Idolo"
by: je_ann_dino_WP
Kumusta ka na?
Oo , alam kong hindi mo ako kilala.
At kahit kailan ay hindi mo ako makikilala.
Sa concert niyo ay hindi makapunta
Makilala niyo? Paano pa?
Langit kayo , ako'y lupa
Ako'y dukha , kayo'y tala
Ako ay isang hamak na taga hanga
Kayo ay tila mga bituin sa kalawakan
Na hindi ko maabot kahit kailan
Ako'y tagahanga niyo , kayo'y aking idolo
Naramdaman ko na lahat ng emosyon sa inyo
Tumatawa dahil sa mga kalokohan niyo
Umiiyak sa mga karanasan niyo
Kinikilig sa bawat galaw niyo
Kinikilig sa mga larawan niyo
Kapag iyon ay tinititigan ko
Kinikilig sa bawat pag sayaw ninyo
Kinikilig sa bawat pag kanta ninyo
Kinikilig sa bawat pag sambit ninyo ng "Mahal Kita"
Kahit alam ko naman na ang ibig sabihin nun ay "Salamat Sa Inyong Suporta"
Tatlong letra , isang salita
Mga hari , mga tala
Maraming mga tagahanga
Koreanong miyembro ay walo
Apat naman ang Tsino
Umalis na mga miyembro ay Tatlo
Labindalawa ang lahat ng miyembro
Walang iba kundi ang "EXO"