:Aklat ni Joel........

Ang Aklat ni Joel ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Sinulat ito ng propetang si Joel, anak ni Petuel.tinataya ng mga dalubhasa na nasulat ang Aklat ni Joel pagkaraan ng pagkakatapon at pagkakabihag ng mga Hudyo sa Babilonia, noong mga 400 hanggang 350 BK.


:Paglalarawan........

May sumapit na pagsalakay ng mga balang sa bayan ng Israel. Naunang salakayin ng mga kulisap na ito ang kanayunan, sumunod ang kabisera. Para sa propetang si Joel, isa itong pagbabadya ng pagdating ng Araw ng Paghuhusga. Dahil dito, daglian niyang hinikayat na magsisi ang kaniyang mga kababayan, sa pamamagitan ng paggamit ng wikang pampamamahayag o apokaliptiko.
  • JoinedAugust 2, 2012