johnmg95

"Ano pa ba ang mas mahalaga sa isang lalaki bukod sa kayamanan at kapangyarihan?"
          	
          	-Kapitan Uwalhid, Aric Kabanata 25
          	
          	Aric Kabanata 25 is now published.
          	
          	I did it! Phew! Sa wakas, umabot ako sa palugit at nagawa kong mapublish before the year ends! Man, I think I love this chapter better than Miya's but I think pareho sila ng strength. Nasa convo talaga. Sa pag-uusap nina Aric at Mortho at ganoon na rin nina Leyro at Uwalhid.
          	
          	Trouble is brewing sa pagkakampihan nina Leyro at Uwalhid at sobrang na-enjoy ko ang interactions ng dalawang villains at ang kanilang alliance (though it is short-lived). Alam nating wala silang tiwala sa isa't-isa at naggagamitan lang talaga sila. In contrast sa pag-uusap naman nina Aric at Mortho, na kahit na may duda ang Datu kay Aric, puno pa rin ito ng respeto at paghanga para sa kanya. One of the highlights rin yung turmoil ni Aric sa pag-uusig ng kanyang konsensya dahil sa kanyang paglilihim.
          	
          	I also added the backstory sa ending ng Miya 25 at nilahad ko rito paano humantong si Leyro sa pagdukot ng isa sa mga Kawal at dinagdagan ko lang rin yung cliffhanger sa huli sa pag-uusisa ni Miya kay Aric, to spice things up sa mga susunod na chapter.
          	
          	Finally! Natapos ko na lahat ng Kabanata 25! Magpapahinga muna ako sa first month ng 2026 and I'll be back in February!
          	
          	Happy Reading and God bless!

johnmg95

"Ano pa ba ang mas mahalaga sa isang lalaki bukod sa kayamanan at kapangyarihan?"
          
          -Kapitan Uwalhid, Aric Kabanata 25
          
          Aric Kabanata 25 is now published.
          
          I did it! Phew! Sa wakas, umabot ako sa palugit at nagawa kong mapublish before the year ends! Man, I think I love this chapter better than Miya's but I think pareho sila ng strength. Nasa convo talaga. Sa pag-uusap nina Aric at Mortho at ganoon na rin nina Leyro at Uwalhid.
          
          Trouble is brewing sa pagkakampihan nina Leyro at Uwalhid at sobrang na-enjoy ko ang interactions ng dalawang villains at ang kanilang alliance (though it is short-lived). Alam nating wala silang tiwala sa isa't-isa at naggagamitan lang talaga sila. In contrast sa pag-uusap naman nina Aric at Mortho, na kahit na may duda ang Datu kay Aric, puno pa rin ito ng respeto at paghanga para sa kanya. One of the highlights rin yung turmoil ni Aric sa pag-uusig ng kanyang konsensya dahil sa kanyang paglilihim.
          
          I also added the backstory sa ending ng Miya 25 at nilahad ko rito paano humantong si Leyro sa pagdukot ng isa sa mga Kawal at dinagdagan ko lang rin yung cliffhanger sa huli sa pag-uusisa ni Miya kay Aric, to spice things up sa mga susunod na chapter.
          
          Finally! Natapos ko na lahat ng Kabanata 25! Magpapahinga muna ako sa first month ng 2026 and I'll be back in February!
          
          Happy Reading and God bless!

johnmg95

"Akala ko noon ang tahanan ay nakaugnay sa isang lugar, pero ngayon, napagtanto kong nakaugnay pala ito sa isang tao. Sa inyong lahat na mahalaga sa akin, lalo na sa'yo. Dahil ngayon, alam ko, saan man ako dalhin ng kapalaran, nasa tahanan na ako, basta't kasama kita."
          
          -Miya Kabanata 25
          
          Miya Kabanata 25 is now published.
          
          Finally! Ang daming ganap ngayong December at 2 weeks akong hindi nakapag-update. Buti at natapos rin. While not as intense and bombastic as the previous 3 entries, I'm still glad how this chapter turned out. Conversations ang naging power ng Chapter na to. Ang daming magagandang linya between the genuine character interactions lalo na sa part nina Miya, Aric, Mortho, Maahan and Marcio, icing on the cake rin yung kilig moments nina Myoris at Eron.
          
          The highlight of the chapter however is the tribe's decision na lisanin ang kanilang mala-paraisong tahanan sa Kasaganaan in order to avoid Leyro's threat. Turning point ito sa buong Tribo since ngayon lang sila aalis sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila. May kirot at hapdi rin akong isulat ito lalo na sa part ni Miya noong muntikan na niyang ilapat ang kamay niya sa buhanginan at pinagmasdan ang dalampasigan for the last time. That made me emotional.
          
          I cut the chapter sa part na sumulpot na sina Leyro dala-dala ang kanilang alas laban kay Aric. Next chapter is going to be lit  
          
          I'll be back tomorrow para isulat ang kay Aric. Need matapos ito before the year ends.
          
          Happy Reading and God bless!

johnmg95

"Ginagamit ka lang niya. Nakita mo na, wala siyang amor sa iyo noon pa man. Hindi ka niya totoong minahal, dahil ang mga kagaya ni Fierro, wala silang ibang minahal kundi ang kanilang mga sarili. Hindi siya tao. Isa siyang halimaw! Siya ang sumisira sa Imperyong ito. Kaya ako naparito ngayon, para iligtas ka sa kanya! Bakit ayaw mong magpasagip!"
          
          -Aurello, Graison Kabanata 25
          
          Graison Kabanata 25 is now published.
          
          Wow, again! Noong sinusulat ko ito, I didn't expect na magiging kasing intense ito ng Kabanata 25 nina Covel at Saraphine, yet here we are. I did again! 3 times! Favorite ko lahat ng scenes, from Graison and Fierro's heartwarming reunion, Roqil and Aurello's rift and that ending. Grabe, it really exceeded may expectations. Ganda ng highlights sa relationship nina Aurello at Roqil. Kahit na nagkaroon sila ng iringan, sa huli naging "do or die" pa rin si Roqil para kay Aurello, by sacrificing his life for his Lord and Master. For a neutral character, ang heroic ng send off ni Roqil. Sayang he had to go. Nagustuhan ko rin ang paglambot ni Fierro kay Graison na kahit hindi niya aminin, totoong tinuturing na niyang anak ang Prinsipe.
          
          What stood out, however, is Graison and Aurello's conversation. Imagine if sumulpot na lang bigla ang kalaban mo. Grabe ang pagsisiwalat ni Aurello sa totoong pagkatao ni Graison. Tagos na tagos. It's so powerful kung paano niya isiniwalat ang naging trahedya ng totoo niyang pamilya at ang kasamaan ni Fierro. Too bad na hindi gumana ang plano niya and nauwi lang sa nagkaroon siya ng Chuck McGill and Howard Hamlin moment na totoo naman ang sinasabi niya pero sa huli nagmukha lang siyang baliw sa paningin ng taong kinukumbinsi nila. Ngayong wala na si Roqil, patuloy kaya ang pagyakap ni Aurello sa madilim na landas?
          
          Natagalan bago mapublish due to unexpected circumstances. I'll try my best na mas mapaaga ang pagtapos sa story arc nina Miya at Aric before the year ends. 
          
          Happy Reading and God bless!

johnmg95

"Namasukan ako rito, nagpanggap at kinuha ang loob nyong lahat nang sa ganoon maisagawa ko ang pinaplano ko! Ang mapatay ka at maipaghiganti ang Ate Pinang ko! Ngayon, oras na para pagbayaran mo ang lahat ng mga kasalanan mo, hindi lang sa kapatid ko kundi sa lahat ng nabiktima mo!"
          
          -Saraphine Kabanata 25
          
          Saraphine Kabanata 25 is now published.
          
          Prinsipe Rigo, your reign of terror has come to an end at last! This chapter serves as a turning point for Saraphine's arc as it featured the intense and bloody culmination of Rigo's storyline. Finally, the  big baddie is gone. Nagawa na ni Saraphine ang nais niya noon, nabigyan na niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang Ate Pinang, hindi nga lang sa paraang nais niya. Oh, how she failed miserably atpoisining him. Man, that confrontation scene between her and Rigo, napaka-intense  Parang magkalevel ng sagupaan ni Covel at Wharen but discretion is advised as there is depiction of violence against women. Ang ganda rin ng send-off kay Rigo na naging masaklap at duguan ang pagkamatay, a fitting death for this monster of a Prince. I hope I can do that to Wharen, Leyro and Uwalhid as well.
          
          Another highlight is the parade sequence kung saan ipinakita ng madla ang pagmamahal nila sa bago nilang Reyna. It's akin to Princess Diana's popularity among the common folk and may hint rin rin bahagyang nainggit si Haring Rucaz sa atensyong nakukuha niya, much like King Charles back in the day.
          
          Now that nabawasan na naman ng isang villain sa kwento, sino naman kaya ang susunod na makakabangga ni Saraphine? Tama na ba sa ganitong paraan siya nakaganti kay Rigo at hindi sa lason, o magdadala lamang ng mas malaking problema ang pagkamatay niya?
          
          I'll be back in a few days to write Graison.
          
          Happy Reading and God bless!
          
          

johnmg95

"Mauunawaan ko po kung hindi nyo na ako mapapatawad, Inay. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Itoi. Kailangan ko ng kumilos."
          
          -Covel, Kabanata 25
          
          Covel Kabanata 25 is now published.
          
          Wow! Just wow, what a way to end the year for Covel's storyline. Grabe, this is probably the best chapter I've written for Covel's storyline and my personal favorite. Parang halos lahat talaga ng scenes macoconsider mong highlights. Walang tapon na eksena, mula sa reaction ni Lynda sa pagkawala ni Itoi, ang pagkasira ng relasyon nila ni Ermin, ang heartfelt conversation nina Covel at Gavy at higit sa lahat, ang face-off nina Covel at Wharen. Napahaba tuloy ang Chapter na to, inabot ako ng 5k words.
          
          Ang ganda ng lahat ng scene ni Lynda as a tragic and grieving mother. She definitely stole every scene!  Talagang na-embody niya ang 5 stages of grief and you can't help but feel for her kahit sinisi niya si Covel, lalo na yung last scene niya na nagiging delusional na siya at sa isip niya buhay pa rin ang anak niya. That was such a harrowing scene to write, but worth it nonetheless.
          
          Aside from Lynda, ang pinaka-highlight ng chapter na to ay ang encounter nina Covel and Wharen. Finally! Noon pa man, anticipated ko na talagang isulat ang eksenang ito! Grabe talaga ang intensity when the hero finally meets the villain!  Their convos turned out better than I expected. From Wharen's gaslighting to Covel's outburst and eventual attack. Ito ang masasabi kong Chef's kiss sa story arc ni Covel. Napakaganda ng eksena nila, never felt this instense since nagkasagupaan sina Fierro at Costan noong Book 1. I can't wait to write another climactic fight between these two.
          
          So much for that! I'll be back in a few days to write Saraphine soon.
          
          Happy Reading and God bless!
          

johnmg95

"Sa buhay, may mga bagay talaga na kailangan nating isuko, pakawalan at iwanan nang sa ganoon tayo ay magkaroon ng isang bagong simula."
          
          -Aric, Kabanata 24
          
          Aric Kabanata 24 is now published.
          
          Picking off where the last chapter of Miya's storyline left off, this chapter focused on the aftermath sa pagkakasagip nila sa dalawang bata. Mula sa kanila, nalaman ng lahat ang kagustuhan ni Datu Leyro na matuto ng Wikang Silangan, to Aric's anxiety. Fearing for the tribe's safety and the uncovering of his secrets, wala nang nagawa si Aric kundi kumbinsihin si Miya na lisanin muna ang Kasaganaan and napaka-emotional ng scene na 'yun since mahal na mahal ni Miya ang Kasaganaan and it's hard to let go and leave behind something dear to you. The quote above is not planned, but I'm glad na naidagdag ko ito while I'm writing. The highlight of this chapter is ang muling pagkikita ng 2 big baddies of Miya and Aric's arc. Nabuo na ang isang alyansa at kasunduan kina Datu Leyro at Kapitan Uwalhid. Ngayong nagsanib pwersa na ang kalaban ni Aric at ang kalaban ni Miya, anong panganib ang nagbabadya sa Tribong Myongan?
          
          It took a while but finally natapos ko rin ang lahat ng Chapter 24 of the 5 main characters. I'll be back in mid-November to jot down Chapter 25 which will be the closing chapter for the year 2025.
          
          Happy Reading and God bless!
          

johnmg95

"Tandaan mo, walang makakapigil sa isang taong purgisidong gumawa ng masama. Ang alam ko lang, kung talagang hawak niya sina Maoro at Mylka, maghanda na siya, dahil bukas na bukas, sasagipin natin sila."
          
          -Miya, Kabanata 24
          
          Miya Kabanata 24 is now published.
          
          I wouldn't consider this as a defining chapter for Miya's storyline. This one is action-packed, adventure-driven and is filled with vivid imagery ng Ginintuang Disyerto, so in a way it's still a unique and interesting addition to this story. Ang focus ng kwentong ito ay ang rescue mission nina Miya, Aric, Myoris and Eron para iligtas ang mga bata laban kay Leyro. Matapos ang ilang hamon sa pagtahak sa walang awang Disyerto, nagtagumpay rin sila sa pagsagip sa mga bata dahil sa kanilang pagtutulungan. What I loved about this chapter ay ang characterizations ng apat na tauhan. Hindi talaga mawawala sa rescue team ang Leader (Aric), Heart (Miya), Sidekick (Eron) at ang (Insufferable Whiner) Myoris. Sorry Myoris, reklamador ka kasi, but despite her flawed and somewhat negative portrayal, fitting rin ito sa character niya since kilala si Myoris sa pagiging prangka, reckless and helpless at times and you can also feel for her anxieties lalo pa 1st time niya lang sa disyerto. Aside from the plot and the characters, na-enjoy ko rin interactions ng apat. It doesn't feel forced and ang authentic ng mga usapan nila. Fave ko yung nag-insert ako ng Dune reference doon sa convo nila.
          
          So far, satisfying naman ang chapter na to. I'll be back soon to write Aric's POV which is a continuation of this one.
          
          Happy reading and God bless!

johnmg95

"Lusubin nyo sila sa anumang paraang nais nyo. Kailangan mapasaatin ang Lupaing ito bago pa sumapit ang tanghali, kung kinakailangan, dalhin nyo sa kanila ang impiyerno."
          
          -Aurello, Graison Kabanata 24
          
          Graison Kabanata 24 is now published.
          
          Grabe, this chapter is a tough one to write as Aurello went on a darker route and unleashed hell sa mga Lupaing tapat sa Emperador bilang ganti. Dito sa Kabanatang ito ko naramdaman na war na talaga and pinapakita rito yung collaterals, casualties and spoils of war na nangyayari pa rin nowadays. Ang dark ng chapter na 'to as it featured massacre, arson and rape. Mahirap siyang isulat but it's needed in the story. This chapter reminds me of a dark Game of Thrones episode noong sinunog ni Daenerys ang King's Landing. I certainly took it as an inspiration and may parallels din ang downfall ni Aurello sa Mad Queen. Pinatunayan lang ni Aurello na different sides of the same coins lang sila ni Fierro. Both of them are capable of doing vile and evil things for their own agendas.
          
          The second half of the chapter is about Graison and his decision na makisali na giyera at gamitin ang kanyang painting and clairvoyant abilities para pigilan ang laban na ito. Medyo nakagaan ng mood ang romantic moment nila ni Osylla and superb rin ang eksena nila ng Emperatris. Ngayong patungo na si Graison sa kanyang Ama, mapipigilan pa kaya nila ang panggugulo ni Aurello sa Imperyo?
          
          I'll be back in a few days to write Miya and Aric soon.
          

johnmg95

"Hindi pagpapakasal ang inaalok niya sa'yo, kundi pagpapatiwakal."
          
          -Rionne, Saraphine Kabanata 24
          
          Saraphine Kabanata 24 is now published.
          
          All Hail Queen Saraphine!
          
          Another turning point for Saraphine's arc. Matapos ang katakot-takot na paghihirap at pagdurusa ni Saraphine, sa wakas ay naging ganap na Reyna na siya sa pag-iisang dibdib nila ng Hari. Ngayon, we'll see kung paano niya gagantihan sina Rigo at Fierro ngayong may kapangyarihan at posisyon na siya. Mananatili ba siyang tunay sa kung sino siya o tuluyang magpapalamon sa paghihiganti?
          
          My highlight of the chapter is not the Royal Wedding itself, kundi ang eksena nina Saraphine at Rionne. It turned out better than I anticipated. Ramdam na ramdam mo 'yung internal conflict ng dalawa, lalo na ni Sara. 'Yung tipong mahal naman talaga nila ang isa't-isa but circumstances are getting in the way para paglayuin sila. Sorry, Rionne, gusto ka man makapiling ni Sara, hindi pa maaari. Revenge mission now, romance later. Tagos na tagos rin 'yung scene na pinagtabuyan ni Sara si Rionne kahit na masakit sa kanya at 'yung huling linya ni Rionne na darating ang araw na hahanapin siya ni Saraphine ngunit hindi na siya nito makikita. Talagang pag Saraphine and Rionne, pure gold talaga ang mga dialogues. Sobrang na-enjoy ko ang paghulma sa komplikado nilang love story. Ngayong kasal na si Sara kay Haring Rucaz, tama kaya ang naging desisyon niya o magkakatotoo ang sinabi ni Rionne na isang pagpapatiwakal ang ginawa niya?
          
          I'll be back in a few days for Graison. I'm behind schedule so I need to catch up.
          
          Happy Reading and God bless!

johnmg95

"Lalaro tayo uli...Kulev...pagkagising Itoi...tutulog muna...Itoi."
          
          -Itoi, Covel Kabanata 24
          
          Covel Kabanata 24 is now published.
          
           Haysss. Nauubusan ako ng words paano ko dedescribe ang pagsulat sa chapter na ito, maybe isa rin sa reason kung bakit ang tagal na-delay ang pagsusulat ko rito, kasi parang ayokong isulat at hindi ko rin alam kung paano ko isusulat a chapter this heavy and heart wrenching. Mahirap siya actually, lalo na I have to kill a character as innocent and as wholesome as Itoi. Biruin nyo, mamamatay na siya pero ang nasa isip niya lang ay ang paglalaro kasama ang Kuya Covel niya. Sobrang napamahal ako sa character ni Itoi though ang challenging isulat ng mga dialogues niya because of his autism. Writing his death scene is one of the hardest I've ever written and literally f***** me up, it destroyed me inside, so please pray for me and my mental health. As a writer, hindi rin pala madali ang kumitil ng buhay ng mga characters mo. Imagine if G.R.R.M. felt the same way when he killed his characters.
          
          Mahirap man pero kailangan tanggapin because it drives the story forward and mas lalo nito pina-igting ang laban ni Covel kay Wharen at sa mga Tagapuksa. And to Wharen, I can say he's one of the most evil characters I've ever created, 'yung tipong kahit ang ibang killer nagrecoil sa walang awa niyang pagpaslang sa isang bata. Just wait till magkita kayo ni Covel. It's gonna be intense.
          
          I'll be back in a day or two to write Saraphine next. For now, I think I need to watch a cute cat video.
          
          Happy Reading and God bless!