Chapter 1 of "A Fangirl's Time Warp" is now published. :)
https://www.wattpad.com/story/349757763
*****************
Sneak peek:
"Lima po pala sila dati? Eh, bakit po parang apat na lang 'yong nakikita ko sa pictures?"
Napatingin sa kaniya ang mga magulang niya. Umayos ng pag-upo si Mang Marlon at nagpasyang siya na ang sumagot ng tanong ng anak. "Lima talaga sila, kaso umalis sa Westlife 'yong matangkad na blonde. 'Yan." Itinuro nito ang tinutukoy sa music video. "Yan si Brian Mcfadden."
"Ohhh. . . Parang si Zayn ng One Direction. Bakit daw po umalis?"
"Eh, magfo-focus daw sa family. Yun ang sabi," paliwanag ng papa niya.
"Magfo-focus daw sa family pero pagkalipas ng ilang buwan, may solo album na," sabad ni Aling Nadia. May bahid ng pait ang boses niya.
"Nakupo! Ayan na, nagsisimula na siya." Tumayo si Mang Marlon. "Sibad muna ako. Lalabas na ang dragon," natatawang sabi niya.
Nakakunot ang noo na sinundan ni Gabrielle ng tingin ang ama na nakalabas na sa bahay.
"Hayaan mo 'yang papa mo," sabi ni Aling Nadia na siyang pumalit sa puwesto ng asawa. "Alam niya kasing magsisimula na naman ang diskusyon naming dalawa. Gusto niya kasing pabalikin sa Westlife si Brian pero ako, ayaw ko naman. Ayun, sa tuwing nakakaramdam na nao-open na naman 'yong topic na 'yon, eh, siya na ang nagkukusang umiwas. Alam niya kasing hindi ako nagpapatalo."
Napahagikhik ang mag-ina.
Napatuon ang atensiyon ng dalawa sa TV nang magsimulang tumugtog ang isa pang MV ng Westlife. Ang If I Let You Go.