Nakakainis! Wala ng magandang fantasy story, halos pare-parehas ng plot. Tsaka yung iba ang jeje ng pagkagawa. I'm not a perfectionist, gusto ko lang yung fantasy na libro na may halong reality. Hindi yung mamamatay yung bidang lalaki tapos mabubuhay dahil mahal sya nung bidang babae. Seriously? Yung iba naman, first chapter pa lang alam mo na ang susunod na mangyayari. Wala ng thrill. Gusto ko yung fantasy book na may kakaibang plot, kakaibang twist at kakaibang ending. Hindi yung; inosenteng babae sa mundo ng tao ay mapupunta sa totoo nyang mundo at malalaman nyang may abilities sya. Nakakasawa na ang ganyang plot. Maraming pangit na libro ang sumikat na, ewan ko kung bakit. I'm not mentioning any book, ayaw ko ng gulo.