Dear, Basher
Honestly, ang dami nilang sinasabi na bored lang daw ako, na wala raw akong maisip, na pangit yung mga sinusulat ko. Pero alam ko sa sarili ko kung bakit ako nagsusulat. Hindi ito dahil wala akong magawa, kundi dahil may mga kwento akong gustong ilabas, may mga emosyon akong gustong iparamdam.
Kung bored man ako, bakit ako nagtatagal dito? Bakit ako patuloy na gumagawa kahit may mga ganitong salita? Hindi ba mas madaling tumigil? Pero hindi ko ginagawa, kasi mahal ko ‘to.
Hindi rin ako nagsusulat para maging katulad ng iba. I’m not here to be the next “Ate Idy” or anyone else. I’m here to be me. May sarili akong estilo, sariling kwento, sariling boses. At kung may mga taong nagbabasa at sumusuporta sa akin, kahit konti lang, sapat na ‘yon para ipagpatuloy ko.
Kung mawala man sila, then maybe they were never really meant to stay. Pero yung mga tunay na nagmamahal sa gawa ko? Sila yung dahilan kung bakit hindi ako titigil.
So say whatever you want. This is my passion, my story, and my voice and I’m not going anywhere.