Anumang isulat ng isang manunulat
Sa kanyang kaluluwa naugat
Piliin mo ikukwento mo
Ngayon, kasikatan ang natatamo
Ngunit kapag mundo ay nagbago
Masasabi mo bang marikit pa rin ang iyong kuwento?
O nagpadala ka na lang sa nakasisilaw na kislap ng mga KWENTONG MAKAMUNDO?
Malaya ang panitikan, ideya at salita ang dapat may kaunlaran hindi puro kalibugan.