Isang babaeng nakasalamin na hindi hilig magsuklay, malaki ang pisngi, maliit ang ilong at malaki ang noo. Cute daw ako. Weirdo nga lang. 

Malakas akong tumawa. Tipong wala ng bukas. Mahilig sa mga pelikula, storya, trivia at mga kanta. Mahilig din ako kumain ng fishball, kwek-kwek, ihaw-ihaw at kung anong meron.

Mahigit isang dekada na kong nagta-trabaho. Laking riles, tumira sa squatter area na dinadaan ng tren, nag aral sa public school at laking Sta. Mesa. Mahal ko ang Maynila, tulad ng sinabi ni Atienza.

Isa akong batang 90's na madalas takasan ang nanay at tatay ko makapaglaro lang. Nakapaglaro na ko ng piko, step-no sunugan ng bahay, shato, chinese garter, 10-20, tayaan, block 123, tinikling, langit lupa, agawan base, tanching, texts na ume-ere, balat ng candy na may money value kahit ang tansan, remborak, magol (tsinelas) na may mother and baby, luksong tinik, luksong baka, tumbang lata, patintero, sipa, taguan at kung ano ano pa.

Hilig kong itago sa damitan ko ang pamato ko sa mga laro ko at kahit ang chinese garter. Umaakyat din ako ng bubong ng mga kapitbahay para makapunta sa bahay ng kaibigan ko. Tapos maglalaro kami ng lutu-lutuan, bahay-bahayan, titser-titseran.

I-message niyo ko sa mga laro niyo baka nalaro ko narin yan hahaha. :D
  • Pateros, Rizal, Philippines
  • JoinedAugust 2, 2012


Story by kitchie0926
Ming and Ding by kitchie0926
Ming and Ding
Hi! This is a story of love, friendship and family. Positive and negative parang puto't dinuguan. Parang tin...
ranking #3 in rides See all rankings