" Wattpader "
Ako'y isang wattpad reader
Eye bags ko may Forever
Atleast hindi bitter.
Tatawa,Iiyak mag-isa
Baliw ang akala ng iba
Walang aral ang matututunan
Sabi ng iba dyan.
Hindi sa pagmamayabang
Nang dahil sa wattpad akoy natutong magsalita ng ibat-ibang lengwahe.
Tamad ang sabi ng iba
Atleast masipag magbasa
Tamad mag-aral minsan
Ngunit pumapasa.
Pinipilit na Ginagaya
Ang Bida sa paboritong Istorya
Pinangarap maging isang Author
Ngunit hindi makabuo ng Storya.
Palagi nalang napapagalitan
Dahil sa kababasa
Natutong tipirin ang sarili
Makabili lang ng Librong gustong mabili.
Talo man sa kagandahan
Eyebags ko ang Ipanlalaban.
Fictional character ay iniiyakan
Asawa ang lahat ng nasa istorya
Mga iniidolo kong manunulat
Ako'y magsusumikap
Nais kayong makita ng harapan
At makipag chikahan paminsan-minsan.
Nais na mag exist ang Fictional na ninanais
Nasasama sa panaginip ang mga Character na minamahal.
Mga mahal kong ka Wattpader
Gusto ko lang iparating
Ang asawa kong Fictional huwag nyo ng aagawin.
Isa akong wattpader na kahit kailan hindi mahihiyang ipagmalaki na isa akong reader.