sa totoo lang mahirap maging pangawalang anak sa magkakapatid lalo na bilang panganay sa pangalawang asawa lahat ng attention nasa kapatid mo dahil siya ang nakakabata.
bilang panganay dapat ikaw ang nangunguna lalo na sa pag aaral dahil balang araw ikaw naman ang tutulong sa parents mo, sa kapatid mo, sa future mo.
pero ako, kabaliktaran ang nangyari.
pangalawa ako sa limang magkakapatid pero panganay sa pangalawang asawa, lumaki sa tabi ng lolo‘t lola simula nung nag ibang bansa ang mommy ko para makapagtrabaho at matulungan sina lolo para sa pagpapalaki saming magkapatid.
kaso, umuwi siya sa pinas may natagpuan siyang lalaki. nagkaanak sila. wala pa akong kaalam alam nun dahil bata pa ako, tanggap ng mga lolo‘t lola ko, siya rin ang panganay sa kanilang tatlo, nakapagtapos ng 1st year college ang mommy ko pero kinalaunan nagka-asawa na siya kaya tumigil sa pag aaral.
habang tumatagal, lumalaki ako na hindi sanay sa tabi ng sariling magulang, nag aral at sa tumuntong sa senior highschool, nahirapan ako aaminin ko.
to be continued.