‘Likas na bulà ang oras. Pansamantala o panandalian. Gaya ng salitang palaraprap, na hindi man palaging naririnig sa simpleng mga usapan subalit halintulad na halintulad sa takbo ng panahon. Mayroon ngang sawikain na nakaukit na rin sa paniniwala ni Hiraya, 'Ang kita sa bula, sa bula din mawawala.'
Ang tanawin ang nakalipas na, mayroong kariktan itong gustong ipadama. Tawanan sa silid ng 10-C. Mga sitsirya't tuhog-tuhog na libre ni Mariah. Pagpapasabog ng mga paputok sa harap ng mansyon ng mga Aquino. Pagtuturo ng Matematika ni Karya. Pamimingwit sa Ilog Silim. Tunog ng kamera ni Markiel. Kulang na lang ay maabot ng tanaw niya kahit ang dinadala ng nakaraan.
Higit pa sa mahabang, mahabang, mahabang panaginip.'
— Kabanata XXXII, Manawari
: Halo-halo ang naramdaman ko rito. Basically, I don't want to let go of their junior high school moments and I tried to save it for the sake of being slice of life, but I have to sacrifice some things because Hiraya is always the ‘unreliable storyteller’. She'd always tell the happy ones but not the sad ones. And sad ones happened. But at what cost would this bring her?
HERE.
It brought her to this point in life.
And just as many things happened during those times she couldn't tell, it found its way in the current ‘present’.
Fortunately, though it's generally an irony. Bittersweet, even more so. Or nostalgic. It's still Manawari. Aya is Aya and Kahi is Kahi.
:)