Hello it's Lavand3ar!
Hindi ko alam kung naaalala niyo pa ako pero hello parin. Matagal tagal din akong nanahimik dahil sa pagiging abala sa studies ko ( ang hirap mahing college student).
Nitong mga nakaraan sinasabay ko ang pagsulat ng mga drafts ng story ko sa mga paggawa ko ng modules, inisingit ko talaga siya sa scheds ko at yon as usual andami ko nanamang mga drafts para sa mga bagong stories na inaamag na sa drafts ko. One day nakausap ko yong bestie ko sabi niya sakin, GIRL WHY NOT TAPUSIN MO MUNA KASI IYONG BUONG SERIES BAGO MO SIMULAN IYONG IBA? TUTAL IYON NAMAN ANG MAY PINAKAMARAMING DRAFTS NA CHAPTERS. Sabi niya. So naisip ko bakit nga naman hindi hahahaha.
Hindi talaga maganda iyong sulat ng sulat tapos pino pondo lang, hindi ko natatapos. Kaya naman ngayon natuto na ako hahahha. Kailangan talaga isa isa lang muna. Tatapusin ko muna ang 4 books ng Ruler Series bago ako magsulat ng iba.
So ipopost ko na ulit iyong 1st book, mas pagtutuonan ko iyon kaysa sa LBU muna. Hindi ko alam kung may nagbabasa ng LBU pero tatapusin ko parin iyon anu't anupaman.
Hindi ko din alam kung finafollow pa ba ako ng readers ng DEITY RULER pero gusto ko lang ipaalam na makikita na ulit sa stories ko ang 1st book ng RULER SERIES.
MAMATS!<3