Ito ay tungkol sa isang tao na sinubok ng panahon at pilit itong nilalabanan. Iba’t ibang pagsubok at balakid man ang kaharapin, hinding hindi sya magpapalamon sa kaduwagan dahil na rin sa inspirasyon at lakas ng loob na binibigay sa kanya ng kanyang pamilya at ng taong handang samahan sya sa kanyang paglalakbay patungo sa inaasam na pangarap. Inspirasyon at paghugot ng lakas ng loob mula sa kanyang mga minamahal ang nagtulak sa kanya upang lalong magpursiging harapin ang anumang pagsubok na inilaan sa kanya ng tadhana at balang araw ay sya ring magpapatibay ng kanyang damdamin upang ang pangarap nya ay maabot. Pangarap na hindi lamang para sa sarili, kundi para sa pamilya at sa taong naging malaki ang parte sa kanyang buhay.
https://www.wattpad.com/story/219045314