leehegi

Ang ating lipunan ay may pagbabagong nararanasan habang tumatagal. Marami ngang nagbago sa ating lipunan kagaya nalang ng patuloy na pag-unlad ng lipunan natin sa larangan ng teknolohiya. Isa iyong magandang bagay ngunit kakapit ng kaunlaran ang patuloy na paghihirap kapag ang kaunlaran ay hindi napanatili. Tayo ay naghihirap sinasabi ng ating pangulo na tayo'y umuunlad ngunit sa aking paniniwala ang totoong pag-unlad ay nararanasan ng kanyang mga nasasakupan. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nasa ilalim ng poverty line o ang pinakamababang antas ng kita na itinuring sapat sa isang partikular na bansa. Marami ang hindi nakakapag-aral at sa murang edad ay nagtratrabaho na. Isa ring suliranin sa ating lipunan ang pag-aaral dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon ng ating bansa ay patuloy din ang pagdami ng mag-aaral. At dahil doon ay kada taon ay mas nagkukulang tayo ng sapat na mga gamit pang-eskwela, kulang din tayo ng mga guro at classroom. Marami din ang nangungurakot kaya mas hindi na napapanatag ang kalooban ng mga mamamayan. Isang magandang solusyon nito ay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bansa. Hindi natin dapat i-asa sa Pangulo lamang ang mga dapat gawin tayo ay isang bansa kaya't dapat tayong kumilos na iisa at dapat din natin tulungan ang Pangulo at iba pang mga opisyal sa kanilang mga gagawin. At para naman sa mga opisyal ng bansa, sana huwag ninyong abusuhin ang inyong kapangyarihan pinili kayo ng mamamayan dahil kayo ang nararapat sana'y inyong patunayan ang inyong pagkakahalal. TUNGO SA KUANLARAN TAYO'Y MAGKAKAISA.!!!
          	
          	~Genevieve M. Espaltero~